Linggo, Setyembre 16, 2018

Ikaw

Ikaw
ni dapip

Sa buhay na aking kinamulatan,
Dahop sa pag-ibig ang tanging naramdaman,
Sa buhay din na aking kinagisnan,
Pilit ipinikit, mata sa kagandahan.

Sa mga binuo't pinagsaluhang alaala,
May 'sang awit na tila baga nagpapaalala,
Liriko nitong puno ng pagdurusa,
Ikaw ang lubos na nagpapaunawa.

Sa mundong aba nitong dakila,
Ika'y sentro ng aking pag-asa,
Lahat ng balakid ay di alintana,
'Pagkat lagi Kang nariyan sa tuwina.

Muling ididilat yaong mga mata,
Nang masaksihan mundong puno ng ganda,
Ngiti ay muling magniningning sa saya,
Sa pag-ibig, 'pagkat Ikaw ang kasama.