Sabado, Pebrero 8, 2014

Wala ng pag-asa

Hindi ako makapaniwala,
Kung bakit pati siya'y nawala,
Relasyong pinakaiingatan,
Na itinuring ng kayamanan.

Sa una'y takot bumitiw,
Dahil nag-aalinlangan.
Pag-ibig na ang pumukaw,
Pag-alis ay kailangan.

Musika na kaaya-ayang pakinggan.
Liriko na napakaganda ng laman.
Kapag ito'y inawit ng walang buhay,
Ay nawawalan na rin ito ng saysay.

Mahaba pa naman ang kalsada,
Bakit huminto na agad siya?
Hanggang dito na lamang ba talaga?
Kaya sumuko'y dahil pagod na?

Upang buhay ay palaging makumpleto,
Mga litrato'y sa baul itinago.
Ibinaon na lamang lahat sa limot,
Nang sa gayon ay tuluyang makalimot.

Pag-ibig na ipinaglaban,
Nauwi lang lahat sa wala.
Nang ako ay iyong iniwan,
Araw-gabi'y nangungulila.

Ngunit heto pa rin ako,
Maghihintay lagi sa 'yo,
Itaga mo pa sa bato,
Na ako'y hindi susuko.

Ikaw na mismo ang lumimot,
Mundo mo'y sa iba umikot.
Tuluyang nawalan ng saysay,
Ang matagal kong paghihintay.

Masakit man na tanggapin,
Na ika'y aking limutin,
At kailangang akuin,
Pag-ibig ko'y 'di napansin.

Ikaw man ay nawala sa aking buhay,
Patuloy na iibigin habambuhay,
Ngunit akoy 'di na dapat umasa pa,
Lahat ng ito ay wala ng pag-asa.

2 komento: